Thursday, November 17, 2011

Ang Halaga Ng Katapatan

"Ngunit malakas na sumagot si Matatias, hindi kami susunod sa gayong ipinagagawa ng hari at lalo namang hindi kami magtataksil sa aming relihiyon kailanman!" -1 Maccabees 2:19, 22

Si Mattathias ay hindi kayang manipulahin para makompromiso ang kanyang pananampalataya. Siya'y tumanggi na maging isang ipokrita at isang pagkahuwad. Siya'y tumanggi na maging matamlay at nakakaduwal sa harap ng Diyos (Rv 3:16). Para kay Mattathias na matatag at tapat, siya ay nagpakalayo "sa mga bundok kasama ang kanyang mga anak, lisan ang kanilang mga mga ari-arian sa lungsod." (1 Mc 02:28).

Tayo ay tulad ni Mattathias. Nakatira tayo sa isang "kultura ng kamatayan." Nakatira tayo sa isang panahon na puno ng pagsalungat sa Kristiyanismo. Sa kultura na ito, ang katapatan ay hindi walang halaga. Upang maging tapat, hindi pagkahuwad, tayo ay dapat gumawa ng mga dakilang sakripisyo. Tulad ni Mattathias, kinakailangan nating iwan ang ating mga ari-arian at magkaroon ng tapang upang mabuhay sa isang likas na kaka-ibang pamumuhay (Ang Ebanghelyo ng Buhay, 98, Pope John Paul II). Upang maging tapat sa Panginoon sa ating "kultura ng kamatayan," ay dapat nating tanggihan ang mga sistema ng pagkamakasarili at pagsasarili, at piliin ang komunidad ng Kristiyano at pagsumite sa Panginoon at sa Kanyang Iglesia. Upang maging mapusok para sa Jesus at hindi malamig, kailangan nating tanggihan ang ating mga sarili at pagiging makasarili para maitaas krus sa bawat araw (Lk 09:23).
Magiging tapat ka ba o pagkahuwad? Tatanggapin mo ba ang biyaya ng Diyos para bayaran ang halaga ng katapatan?

Panalangin: Ama, ituro sa amin "ang landas ng kapayapaan sa araw na ito" upang mapahalagahan namin ang oras ng aming pagdalaw (Lk 19:42, 44).

Pangako: Ang marami, na naniniwalang dapat sundin ang utos ng Diyos at mga tuntunin ng kanilang relihiyon, ay lumabas din at sa ilang na nanirahan, kasama ang kani-kanilang sambahayan.  -1 Mc 2:29

Purihin: Santa Elizabeth na higit na naglingkod sa kanyang mga tao sa pamamagitan ng pagdamit na maayos at pagpapakain ng mga daan-daan taong nagugutom.


No comments: